Nasusuri ang mga detalye sa binasa
Isulat sa kahon kung tama o mali ang pahayag sa bawat bilang ayon sa binasang akda.
1. Isang matandang kubang papilay-pilay ang dumating nang hindi inaasahan sa pagdiriwang ng cañao.
2. Bahagi ng pagdiriwang ng cañao ang pag-aalay ng karne ng baboy, mga awit, sayaw, malalakas na tugtog, at panalangin ang mga katuhibe kanilang anito.
3. Si Lifu-o ay may anak na babaeng maaari niyang makatulong sa pagtatanim at pag-aani.
4. Ang makakita ng uwak sa daan ay nangangahulugan ng isang magandang pangitain.
5. Ang pagdiriwang ng cañao ay nangangahulugan lamang ng pagkakaroon ng masaganang pag-aani
6. Ang pamilya ni Lifu-o ang nanguna sa pagkakaroon ng pagdiriwang ng cañao.
7. Mabilis at tahimik na isinagawa ng mga katutubo ang pagdiriwang ng cañao.
8. Ang matandang kuba mismo ang naging punong halamang ginto sa kuwento.
9. Kinalugdan ng mga anito at ng diyos ang mga panalangin at alay ng mga katutubo kayâ dininig nila ang kahilingan ng mga tao lalo na ng pamilya ni Lifu-o.
10. Naging mayaman ang lahat ng mga katutubo dahil sa kaloob na gintong punò ni Bathalang Kabunian.

Q&A Education