1. Tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang indibidwal sa isang estado o bansa at imnuturing bilang ugnayan ng isang indibidwal at ng estado? 2. Ito ay isang legal na prinsipyong batayan ng pagkamamamayang Pilipino na nagsasaad na sa kanyang kapanganakan ay nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang? 3. Hudisyal na paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino? 4. Tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa mga pagkilos at gawaing pansibiko? 5. Aspekto ng pagkamamamayan na sumasaklaw sa taglay na kalayaan ng isang tao gayundin ang kanyang mga karapatan bilang isang mamamayan. 6. Ito ang tawag sa karapatang tinataglay ng isang indibidwal mula sa batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang katayuan at kalagayan? 7. Ang mga pangunahing halimbawa ng karapatang ito ay ang karapatang bumoto, mahalal at pumuna sa pamahalaan? 8. Ito ay tumutukoy sa pandaigdigang dokumento na nagsasaad ng mga karapatang pantao? 9. Ang mga pangunahing halimbawa ng karapatang ito ay karapatang maghanapbuhay, mabigyan ng tamang pasahod at magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trabaho? 10. Tumutukoy sa mga karapatang kinikilala at pinaiiral ng estado?

Q&A Education